Oh yes i'm back & i have broncho, but i'm magaling na!!! :) *thank GOD!* I just want to share yung mga experiences ko in the past 9 days...
Tanghali na ko lagi gumigising. As in pagbaba ko wala na yung mga kasama ko sa bahay. Tapos luto ng food. Tapos kain na. Tapos inom ng gamot. Tapos aantukin na ko sa busog. Tapos tutulog na. Tapos magigising ako around 7PM. Tapos kakain na naman at mag gagamot. Tapos darating na ang mga housemates ko. Tapos magyayaya sila manuod ng dvd sa room. Tapos ako excited manuod pero maniwala kayo sa hindi ako yung UNANG NAKAKATULOG! As in wala akong natapos na movie sa loob ng 9 days! Naka-9 movies sila ako ayun nakahimlay sa higaan! Hehehe. Pero nakakatuwa din kasi nakabawi talaga ko ng pahinga at napractice ko ang dreaming talent ko, hehe.
Sabi ni Doc nakukuha daw ang sakit na yun kapag madalas natutuyuan ka ng pawis sa likod at puyat at syempre yosi. Well, no wonder na magkasakit nga ako kasi almost every week ganon ang eksena ko sa buhay. Hindi pa ako nagkasakit buong buhay ko na kinailangan kong isugod ang sarili ko sa E.R. Tandang-tanda ko pa yung pakiramdam na parang katapusan ko na. Ilang araw ng hindi bumababa ang lagnat ko at kada ubo ko umiiyak talaga ko sa sakit. Ayoko na ulit maranasan yun promise! Kaya ngayon super alaga ko ang sarili ko! Imagine 11 days na kong di nagyoyosi, di umiinom at maaga natutulog! Bongga!!!!!
Ika nga nila ang "ang masamang damo matagal mamatay" pero eto ang bago para sa akin "ang masamang damo unti-unting mamamatay sa hirap at sakit"... ahehehe.
Ayyyyy... THANK YOU SO MUCH pala sa mga nag get well soon at nag alaga sakin! (kilala niyo na kung sino kayo) Kayo ang tunay na gamot sa karamdaman ko! Mahal ko kayo!!! Ingatan niyo rin ang mga sarili niyo!
1 comment:
so, sinong nag-alaga sa 'yo? wehehehe! kinikilig 'yan... : )
Post a Comment