Saturday, September 27, 2008

emotional crisis

Sinabi ko sa sarili ko dati na kapag ako nakapasok sa ganitong trabaho ay paninindigan ko dahil gusto ko at alam kong para dito ako at higit sa lahat ipinaglaban ko 'to sa mga magulang ko. Sa totoo lang hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko ngayon basta ang alam ko kailangan kong mag desisyon para sa sarili ko at sa hiniharap. Hindi ko rin alam kung tama ba tong gagawin ko para lang tumakas sa isang tao na kapag ginawa ko naman mawawala ang buong buhay ko ng halos 3 taon. Kailangan kong timbangin kung ano ang mas mananaig ang puot na naipon sa pagkatao ko ngayon o ang magpatuloy kasama ang mga taong kasama ko rin na nagdudusa ngayon at nakakaunawa ng lubusan kaya ginagawa ang mga bagay na hindi naman dapat. Mahal ko ang ginagawa ko maliban sa isang bagay. Mahirap sabihin kailangan lang sigurong unawain. Hindi ko lang siguro matanggap na ang pinaghihirapan ko sanang pangarap ay unti-unting lumalabo at gumuguho. Kapag nararamdaman mo bang naaabuso ka at natatapakan na ang pagkatao mo ang ibig sabihin ba non ay tama na, bimitaw ka na? Simple lang naman sana ang gusto ko mangyari sa buhay ko, gusto ko lang maramdaman na masaya ako dahil totoong masaya ko at buo ang pagkatao ko. Sana totoo ang genie na kapag humiling ka ay matutupad ang wish mo... :(

Friday, September 12, 2008

ngarag! ngarag! ngarag forevermore!

Pagod, puyat, mainit ulo, sermon dito, sermon doon, kulit dito, kulit doon... ito ay ilan lamang sa mga eksena sa office ngayong linggong ito. Well, well, well... konting tiis na lang mga kapatid at matatapos na! remember, 3 days to go! at makakatulog na tayo ng maayos at syempre 1 week to go at bonggang outing na! Yahooooo!!! Smile na! :)

Monday, September 8, 2008

acute bronchitis

Oh yes i'm back & i have broncho, but i'm magaling na!!! :) *thank GOD!* I just want to share yung mga experiences ko in the past 9 days...
Tanghali na ko lagi gumigising. As in pagbaba ko wala na yung mga kasama ko sa bahay. Tapos luto ng food. Tapos kain na. Tapos inom ng gamot. Tapos aantukin na ko sa busog. Tapos tutulog na. Tapos magigising ako around 7PM. Tapos kakain na naman at mag gagamot. Tapos darating na ang mga housemates ko. Tapos magyayaya sila manuod ng dvd sa room. Tapos ako excited manuod pero maniwala kayo sa hindi ako yung UNANG NAKAKATULOG! As in wala akong natapos na movie sa loob ng 9 days! Naka-9 movies sila ako ayun nakahimlay sa higaan! Hehehe. Pero nakakatuwa din kasi nakabawi talaga ko ng pahinga at napractice ko ang dreaming talent ko, hehe.
Sabi ni Doc nakukuha daw ang sakit na yun kapag madalas natutuyuan ka ng pawis sa likod at puyat at syempre yosi. Well, no wonder na magkasakit nga ako kasi almost every week ganon ang eksena ko sa buhay. Hindi pa ako nagkasakit buong buhay ko na kinailangan kong isugod ang sarili ko sa E.R. Tandang-tanda ko pa yung pakiramdam na parang katapusan ko na. Ilang araw ng hindi bumababa ang lagnat ko at kada ubo ko umiiyak talaga ko sa sakit. Ayoko na ulit maranasan yun promise! Kaya ngayon super alaga ko ang sarili ko! Imagine 11 days na kong di nagyoyosi, di umiinom at maaga natutulog! Bongga!!!!!
Ika nga nila ang "ang masamang damo matagal mamatay" pero eto ang bago para sa akin "ang masamang damo unti-unting mamamatay sa hirap at sakit"... ahehehe.
Ayyyyy... THANK YOU SO MUCH pala sa mga nag get well soon at nag alaga sakin! (kilala niyo na kung sino kayo) Kayo ang tunay na gamot sa karamdaman ko! Mahal ko kayo!!! Ingatan niyo rin ang mga sarili niyo!

Saturday, August 16, 2008

first fight :(

around 12nn.. basta lunch time! he cooked our lunch infairness! (sweet no?!)


cut 1: me: bebi, kain na tayo!

him: ok, ok sige sunod ako..


cut 2: (after 10mins)

me: bebi, kakain ka ba o magwo-walk out na ko dito sa lamesa?!!!! 1... 2... 3!!!!!!!!!!


cut 3: him: *cool na cool sa sofa at nagyoyosi* teka lang bebi!

me: akala mo kasi laging biro na magwo-walk out ako! sabay grab ng towel then punta sa
sa cr.


cut 4: (after 20 mins)

me: *fresh-freshan at nahimasmasan*

him: *nage-empake na ng gamit*


cut 5: *nagkasalubong kami sa hagdaan* deadma lang!

cut 6: friend: sis! si churva umalis na dala lahat ng gamit niya!

me: yaan mo siya! natuto siya umalis, matuto siya bumalik! *wow! ang tapang!*

cut 7: *background music na malungkot sa sala*

me: cry, cry ever! tapos pasok na sa work...

him: ewan ko...


Ending:

SYEMPRE ANG BONGGA DITO.. NAGKABATI RIN KAMI BAGO MAG GABI.. LOVE IT! :) LESSON LEARNED: MAGPASENSYA! HABAAN PA ANG PISI LIEZL! HEHE.

Tuesday, August 12, 2008

oh yes!

Oh yes! It's indeed a Happy na, Birthday pa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Maraming Salamat sa lahat ng mga bumati at nakaalala! At sa mga hindi... Fuck You! hehehe.

*hug*

Monday, August 4, 2008

magiging happy na, birthday pa ba kaya?

Tomorrow is my 23rd birthday!! :)

... at syempre umaariba na naman ang ulan ranger! Lagi naman may bagyo mode kapag mga ganitong petsa ng buhay ko.. hehehe. Haayyy.. a year older once again! Minsan pag trip ko mag senti mode naiisip ko na sana bata na lang ulit ako na simple lang ang buhay.. Sa tulad ko kasing malayo sa pamilya minsan di ko maiwasan na malungkot at mag cry, cry sa gilid ng balay pero syempre dapat ang moda ko ay maging strong for myself! Nakakamiss lang tapos sabayan pa ng ganitong pagma-maganda ng ulan.. ayyyy inuman na 'to!!
Bukas ano kayang mangyayari? Hmmm.. sinu-sino kaya ang makakaalala na hindi kailangang i-remind or mabasa ang blog na ito? Simpleng pagbati na magiging ngiti sa puso dahil alam kong may mga tunay na nagmamahal.. :) Happy 23rd Birthday to me!

Monday, July 28, 2008

hear you me...

There's no one in town I know.You gave us some place to go.I never said thank you for that.I thought I might get one more chance.What would you think of me now,so lucky, so strong, so proud?I never said thank you for that,now I'll never have a chance.May angels lead you in.Hear you me my friends.On sleepless roads the sleepless go.May angels lead you in.So what would you think of me now,so lucky, so strong, so proud?I never said thank you for that,now I'll never have a chance.May angels lead you in. Hear you me my friends.On sleepless roads the sleepless go.May angels lead you in.May angels lead you in.May angels lead you in.And if you were with me tonight,I'd sing to you just one more time.A song for a heart so big,god wouldn't let it live.May angels lead you in.Hear you me my friends.On sleepless roads the sleepless go.May angels lead you in.May angels lead you in.Hear you me my friends.On sleepless roads the sleepless go.May angels lead you in.May angels lead you in. - Hear You Me by Jimmy Eat World

Friday, July 11, 2008

why do all good things come to an end?

Maybe this is it.. hanggang dito na lang ulit ang saya.. lahat ng pinagsamahan mawawala at mabuburang unti-unti sa puso at isip.. ganon ba talaga may expiration ang lahat? siguro nga kasi kung walang may gustong umintindi walang makakaintindi.. ang solusyon.. tapusin ang lahat. mahirap sumakit ang ulo pero mas mahirap sumakit ang damdamin.. madaling umunawa pero bakit sila hindi ka maunawaan.. naniniwala din kasi ako na lahat ng kasiyahan ay may katumbas na kalungkutan.. naging masaya ako ng mga nagdaang araw kaya pagbabayad ang nagaganap ngayon.. at isa pa, ang pag-iyak sa gabi ay katumbas lang ng pag-inom ng alak.. bakit? kasi sa umaga pag gising mo pareho ang resulta.. isang malaking HANG-OVER! Siguro wag na lang masyado mag-isip.. ganito ang buhay.. maniwala ka sa hindi..................

Monday, July 7, 2008

rainy days & mondays always get me down :(

Waaahaaayyy... what a monday?! nakakatamad.. i just wanna go home & sleep.. ano na naman kayang katamadan tong nararamdaman ko?? haayyyyyyyyyyyyyyy.................. :(

Wednesday, July 2, 2008

just falling inlove

I really dont know how it started basta the next thing i know im falling in love! (after jurassic years!haha!) for sure madami na ang nakataas ang kilay dyan! well, mga friendships ganon talaga! pero ang di niyo kakayanin dyan ay kung sino.. im sure magagalit kayo sakin pero relax lang.. wala akong intention makasakit ng kung sino and besides lagi ko na lang ba iisipin ang sasabihin ng iba?.. sa mga totoong nakakakilala sakin im sure okay, approve, alright to! hehehe.
Tsaka wag nga kayo masyado daot dyan, may downside din naman tong lovelife na ito! Hmmm... ayan naiiyak na ko! charing! Basta, basta, basta... mas nananaig naman ang kaligayahan kaya deadma na muna sa ek-ek drama side!

Sunday, June 29, 2008

time for a cool text

"Wasak na wasak na ako, MAAALALA KO PA BANG I-TEXT KA?!"
sabi ng s-s (special someome) ko tama ba daw tong sagot ko ng tanungin niya ko kung bakit hindi ako nagtext kagabi kung nakauwi na ko.. well, ano sa palagay niyo? kayo na humusga ha?.. :)

Wednesday, June 25, 2008

angst

spell HANG-OVER again..

gumising ako ng maaga today kasi may gusto akong patunayan sa angst ko last night.. gotta be on time & dapat maunahan ko sila! well, successful naman ang plans ko! hahaha.